Bagyong Sendong patuloy na nananalasa

NANANATILING nakataas pa rin sa babala ng bagyo bilang 2 ang lalawigan ng Palawan sa Luzon, Southern Negros sa Visayas at Zamboanga del Norte sa Mindanao dahil sa patuloy na pananalasa ng bagyong Sendong sa bansa, ayon sa ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Nakataas naman ang signal number 1 sa Zamboanga del Sur at Misamis Occidental sa Mindanao, Southern Cebu, Siquijor at Northern Negros sa Visayas gayundin sa Cuyo Island sa Luzon.

Ayon kay Jorie Luis ng Pagasa, base latest monitoring ng ahensya kaninang 11:00 ng umaga, ang sentro ng bagyong Sendong ay nasa 180 kilometro kanluran ng Dumaguete City. Taglay nito ang lakas ng hangin na 75 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso hanggang 90 kilometro bawat oras.

Bukas, Linggo, inaasahang si Sendong ay nasa layong 300 kilometro ng kanluran timog kanluran ng Puerto Princesa at sa Linggo hapon o gabiay inaasahang papalabas na ng bansa ang bagyo.

Sinabi ni Luis, ang Metro Manila ay makararanas rin ng maulap na kalangitan na may paminsan-minsang pag-uulan dahil sa epekto ng amihan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply