Baha: Bunga ng kasalanan sa pagsira sa kalikasan

HINDI kapani-paniwala ngunit totoo.

Buhay na buhay si Noah sa ating kasaysayan.

Mantakin niyo, tuwing may bagyo, binabaha na maging ang mga dating hindi binabaha.

Sabi nga ng mga senyor sitisen, “Ngayon lamang nagkakabaha ng ganito.”

Dahil ba sa pagiging makasalanan natin kaya tayo binabaha gaya nang nangyari nang lunurin ang buong mundo ni Bathala noong panahon ni Noah?

Siguro, Suki.

Ang mga kasalanan noong panahon ni Noah ay kinabibilangan ng patayan at agawan sa puwesto sa kapangyarihan, pagpapalit-palit ng mga dyowa, sobrang katakawan ng mga meron sa gitna ng kagutuman ng marami, paglalasing at kung ano-ano pa.

Isa pa, umabot na sa 7 bilyon noon ang populasyon ng mundo.

O ‘di ba nagaganap din ang mga ito ngayon?

Ngiyehehehe.

oOo

Pero iba yata ang mga kasalanan natin sa mga panahong ito kaya nagbabaha.

Ang natatandaan natin, nang sakupin tayo ni Uncle Sam, sinabi nilang may pagkukunan na sila ng kahoy sa loob ng 100 taon.

Noon nagsimula ang malawakang logging hang-sumulpot ang mga Intsik at paghati-hatian na rin ng mga kongresman, senador at taga-Malakanyang ang mga kabundukan sa pamamagitan ng konsesyon.

Op kors nandiyan na rin ang mga kaingin, paglawak at pagdami ng mga palayan at taniman ng ibang mga pananim gaya ng tubo sa Hacienda Luisita, industrial zone, haywey, subdibisyon at iba pa.

Ngayon ay kalbo na ang mga bundok, bibihira na ang kagubatan.

Sa konting ulan, bumabaha na nang todo, ke sa bundok o sa kapatagan umuulan.

Ang laki ng kasalanan natin sa Inang Kalikasan at sa Lumikha nito. Tsk! Tsk!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply