Bahay-sanglaan nilooban, P.8-M alahas, cash tinangay

TINATAYANG mahigit P.8 milyon halaga ng alahas at cash ang natangay ng tatlong kawatan kabilang ang isang babae nang pasukin nila ang isang bahay-sanglaan sa pamamagitan nang pagbutas sa pader mula sa inupahan nilang katabing establisimiyento upang makapasok sa pinagnakawan sa Las Piñas City.

Hinala ng pulisya na noon pang Sabado (Disyembre 24), unti-unti nang binutas ng mga suspek ang pader mula sa inupahan nilang Unit 5 sa CAC Building, CAA Road, Pulang Lupa 2 patungo sa Unit 3 na inookupa naman ng Le-an Pawnshop na pag-aari ni Jaime Alcala, residente ng Licaros St., Wooside 2, Imus, Cavite

Sa imbestigasyon ni SPO1 Jose Abitria ng Criminal Investigation Unit ng Las Piñas police, noon pang Oktubre nangupahan sa Unit 5 ng gusali na pag-aari ng isang Lourdes Kuribayashi ang nagpakilalang Jasmine Alegre na balak na gawing bigasan, kasama ang dalawang hindi nakilalang lalaki.

Napag-alaman na naghukay din ang mga suspek, gamit ang jack hammer at electric drill at planong gumawa ng tunnel patungo sa pawnshop subalit nahirapan sila nang matumbok sa paghuhukay ang makapal na pader na nagsisilbing poso-negro.

Bunga nito, nagpasiya ang mga suspek na butasin ang pader ng katabing establisimiyento na inookupa ng isang tindahan ng telebisyon at mula dito’y binutas muli ang pader patungo naman sa naturang pawnshop.

Umaanot sa P800,000 halaga ng mga alahas na nakalagay sa kaha-de yero, pati na ang P50,000 cash ang tinangay ng mga suspek at natuklasan lamang ang panloloob sa sanglaan dakong alas-9:00 kaninang umaga nang magbukas na ang tanggapan ng dalawang establisimiyento.

Wala namang tinangay ang grupo sa dinaanang tindahan ng telebisyon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply