Bakit ba si Kris Aquino ang pinag-iinitan nila?

SA WAKAS, isang proud father na si Oyo Boy Sotto dahil isinilang na ni Kristine Hermosa ang kanilang first-baby girl last December 26 sa isang pribadong ospital.

Itinakbo si Tintin sa parehong araw, mga alas-sais ng gabi at nanganak din ito after almost five hours nang pagli-labor. Saktong 11:49pm ng December 26 inilabas ni Tintin ang kanilang baby girl na pinangalanang Ondrea Bliss. Normal delivery ang paglabas ng baby at tumitimbang ito ng 2,680 gm.

“Tin is still recovering,”  bahagi ng statement ni Oyo Boy pagkapanganak ng asawa.

Hindi muna pinangalanan ang ospital kung saan nanganak si Tintin, baka raw dagsain ng well-wishers. Kailangan daw kasi ng bagong nanay ang pahinga para maka-recover sa pressure nang panganganak.

Hindi pa nasabi ng aming source kung sino ang kamukha ng baby but in due time, ilalabas din ng couple ang mga unang photos ni Ondrea Bliss.

o0o

HINDI kami sure kung bakit si Kris Aquino ang itinuturong dahilan kung bakit 17 prints lamang ang ini-release ng SQ Laboratories sa unang araw ng MMFF para sa Manila Kingpin:  The Asiong Salonga Story, nina Laguna Governor ER Ejercito, aka George Estregan. Diumano’y binantayan daw ni Kris ang SQ Lab at iniutos na ihuli ang movie ni ER sa mga makukumpletong prints. Imbes raw na 51 prints, 17 lamang ang nagawang kopya. Dahilan kung bakit nag-suffer sa first day gross ang movie.

Kasi nga’y kung nakumpleto raw ang 51 prints sa first day showing pa lamang, mala- mang na ito raw ang naging 3rd highest grosser ng araw na yon at hindi ang Segunda Mano ni Kris.

But on it’s second day, nabuo na ang 51 prints at balitang nakikipagpukpukan na ang movie ni Asiong Salonga sa iba pang entries at malamang na umakyat ito sa 3rd place sa susunod pang mga araw at baka ma-dislodge pa raw ang movie ni Kris na humahamig sa ikatlong puwesto.

o0o

KAHANGA-HANGA ang aktor na si Gerald Anderson dahil iilan lamang silang artistang nakaalala at namigay sa mga nasalanta ng bagyong Sendong sa Cagayan de Oro City.

Sakay ng isang private plane, sumama si Gerald sa lugar ng kalamidad at personal na namahagi ng tulong.

Nabalita ring nauna nang tumungo sa Sendong victims sina Kris Aquino, Vice Ganda at Anne Curtis para mamahagi ng relief sa mga sinalanta ng bagyo. Naiulat din na si Jake Cuenca at mga kaibigan ay nasa Cagayan de Oro para magbigay ng konting tulong at relief goods doon.

Sa mga ganitong sandali nang pagtutulungan, maipagmamalaki ang ilan nating showbiz stars na kahit pa bisi sa kanilang trabaho ay may inilalaan ding oras sa mga kapuspalad na biktima ng trahedya.

Nawa’y pamarisan din sila ng ilang personalidad na sobra-sobra ang yaman and yet, wala yatang panahon para magbigay ng konting tulong.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply