Bakla tinurbo, pinatay ng adik

NATAGPUAN ang bangkay ng isang lalaking pinaniniwalang tinurbo sa puwit ng hindi nakikilalang adik sa tabi mismo ng Commission on Human Rights (CHR) sa Quezon City Lunes ng umaga.

Ang bangkay ng biktimang si Gilbert Serio, 26-anyos na ang mukha ay binasagan ng bato ay natagpuan sa isang bakanteng lote na nasa tabi lamag ng CHR headquarters sa Commonwealth Avenue, Barangay Commonwealth.

Nakilala ito ng kanyang kaibigan na isang Mary Rose, na nagsabi sa awtoridad na hinahanap niya ito simula pa kagabi (Disyembre 11).

Sa tabi ng bangkay ng biktima, natagpuan ang isang malaking bato na may bahid ng dugo na hininhinalang ipinanghataw sa ulo ng biktima.

Hinala rin ng CIDU, na tinurbo sa puwit ang biktima dahil nang matagpuan ang bangkay nito ay nakababa mula sa kanyang paa ang pantalon niya.

Huling nakita ang biktima na may kasamang hindi nakilalang lalaki kagabi.

Naniniwala rin ang pulisya na kaya pinatay ang biktima ay dahil sa hindi umano nagbayad sa inupahang suspek na sinasabing lulong sa ipinagbabawal na gamot.

Tinutugis na ngayon ng CIDU ang suspek na nabatid na residente rin sa naturang lugar.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply