Balik-eskwela na sa January 3 – DepEd

INIHAYAG ng Department of Education (DepEd) na obligadong magbalik silid-eskwela sa Enero 3, 2012 ang mga mag-aaral buhat sa elementarya at sekondarya sa lahat ng pampublikong paaralan sa buong bansa.

Ayon kay DepEd Secretary Bro. Armin Luistro, tanging ang mga pribadong paaralan lamang ang binigyan ng pagkakataon ng kagawaran na makapamili ng petsa kung kailan papapasukin sa paaralan ang kanilang mga estudyante.

Sa kanilang ringTwitter account, sinabi ng DepEd na lahat ng public elementary at high school sa buong bansa ay kailangang mag-resume ng klase sa Enero 3, 2012 o dalawang araw matapos ang Bagong Taon.

“It’s (resumption of classes is) on January 3 for all public schools. Only private schools have the discretion to move it,” tweet pa ng DepEd.

Ang pahayag ng ahensiya ay kaugnay ng maraming mamamayan ang nagtatanong sa mga tanggapan ng DepEd partikular na sa mga probinsiya kung kailan ang pagbabalik-eskuwela ng mga mag-aaral kasunod ng Christmas vacation na nagsimula ngayong araw.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply