Balik trapik sikip sa rehabilitasyon ng Buendia Flyover

BALIK na naman ang masikip na trapiko sa bahagi ng Osmena Highway sa Makati City dahil sa pagsisimula ng rehabilitasyon ng Buendia Flyover Martes ng umaga ng kontratista ng Department of Public Works and Highways.

Isinara na ang northbound traffic upang makumpuni ng mga manggagawa habang ang southbound traffic ay bukas at nagsilbing two-way traffic sa mga motorista na patungong Maynila at pa-Makati City.

Mananatili ang ganitong situwasyon hanggang matapos ang paggawa sa nasabing flyover sa Enero 8 ,2012, bagama’t walang pasok sa mga eskwela ay malaki pa rin ang epekto sa trapiko ng nasabing pagsasara ng isang bahagi ng kalsada.

Matatandaang ipinaulit ng DPWH ang rehabilitasyon ng Buendia Flyover sa Tokwing Construction, ang kontratista nito, matapos na matuklasan na nababakbak ang mga aspalto na ginamit sa ibabaw ng pavement ng nabanggit na flyover.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply