Ban sa OFWs sa Nigeria pinalawig pa ng Pinas

PINALAWIG pa ng Pilipinas ang ipinaiiral na ban sa overseas Filipino workers (OFWs) sa Nigeria.

Ito ay matapos kumambyo ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa anunsyo ng Department of Labor and Employment (DOLE) na aalisin na ang deployment ban.

Ang deployment ban sa mga OFW sa naturang bansa ay dapat sanang alisin sa darating na Enero 1.

Gayunman, ito ay pinalawig at pinanatiling bawal ang pagpapadala ng mga OFW sa dahil na rin sa nagaganap na kaguluhan  doon tulad ng church bombing.

Lubha umanong nakababahala ang sitwasyon sa Nigeria  kaya posible pang magtagal  ang kautusan sa loob ng isang buwan ayon sa DFA.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply