Banat ni PNoy sa SC ‘disturbing’ – Midas

‘DISTURBING!’

Ito ang palagay ni Supreme Court (SC) Spokesperson Midas Marquez sa pagbanat ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa Korte Suprema sa harap ng publiko, sa isinagawang National Criminal Justice Summit sa Manila Hotel.

Sa isang press conference, sinabi ni Marquez na itinuturing nila ang pagbatikos ni PNoy na banat hindi lamang kay Chief Justice Renato Corona kundi sa buong hudikatura.

Sa kabila nito, tiniyak ni Marquez na susundin pa rin ng SC ang kanilang mandato na magdesisyon sa mga kasong idudulog alinsunod sa umiiral na batas.

Paalaala naman ng Kataas-taasang Hukuman na may umiiral na rule of law at pantay-pantay ang kapangyarihan ng tatlong sangay ng pamahalaan maging elected o appointed man ang mga namumuno rito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply