Bangayang SC at Malakanyang pabor sa taumbayan – Dean Valdez

MAKABUBUTI sa publiko ang banggaan sa pagitan ng Supreme Court at Malakanyang.

Ito ang pahayag kay University of the East, College of Law Dean Amado Valdez sa isang panayam sa telebisyon dahil magkakaroon umano ng check and balance sa tatlong sangay ng ating gobyerno.

Sinabi nito na ang paglalabas ng opinyon ni Pangulong Benigno Aquino III sa mga pabago-bagong desisyon ng Korte Supreme ay babala na kapag sa pananaw niya ay hindi ito makakabuti sa mamamayan ay tiyak na magpapahayag ito kontra rito habang ang Korte Suprema naman ay babantayan ang mga gawi ng ehekutibo.

Sa ganito umanong set-up, ang parehong sangay ay mag-iingat sa kani-kanilang mga gagawin dahil sa pagbabantay sa isa’t isa at ito ay makakabuti sa mamamayan.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply