Bangka tumaob, 2 nasawi

NASAWI ang dalawa habang pinaghahanap ng mga rescuer at kanilang mga kaanak ang magkapatid na nawawala sa pagtaob ng isang bangka kaninang tanghali, Disyembre 25, sa ilog sa Barangay Villaluz, San Mateo, Isabela.

Nakilala ang mga nasawi na sina Evelyn Alejo, 56, at kanyang apo na si Jeff Santos, 10; habang ang mga nawawala ay sina Joana Alejo, 12, at Jomer Alejo, 8, pawang mga taga Villaluz, San Mateo, Isabela.

Base sa ina ng isa sa mga nakaligtas na bata na si Rodylin Bumanglag, 8, siyam ang lulan ng bangka na kinabibilangan ng limang bata at apat na matatanda bukod pa sa isang bangkero.

Dalawa ang nakaligtas sa mga bata samantalang dalawa ang nawawala habang tatlo naman ang nakaligtas sa mga matatanda at isa ang nasawi.

Galing ng Villaluz ang mga biktima at patungo sana sa kabilang pampang nang mangyari ang trahedya.

Itinuturong dahilan ang butas ng bangka kung kaya tumaob ito.

Hinihinalang lasing din ang bangkero habang naglalayag.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply