Bangkay natagpuan sa pumping station

HALOS naaagnas na ng matagpuan ang katawan ng isang lalaki na nahalo sa basura sa pumping station ng Muelle de Binondo kaninang umaga.

Hinihinalang may ilang oras nang palutang-lutang sa Pasig River ang ‘di nakilalang biktima na nasa edad na 25-35, may taas na 5’2 hanggang 5’4,maigsi ang buhok, kayumanggi, nakasuot ng dilaw na sando at sky blue short pants.

Bukod dito may suot ding beads na kuwintas na violet na may krus, nakasuot ng limang pirasong itim na rubberized bracelet sa kaliwang kamay at tatlong piraso naman sa kanang kamay.

Sa imbestogayson ni SPO2 Benito Cabatbat, dakong  alas-8:15 ng umaga nang madiskubre ng isang empleyado ng Binondo MMDA Pumping Station sa nasabing lugar ang palutang-lutang na katawan ng biktima sa ilog.

Inireport naman ito sa Philippine Coast Guard (PCG) Malacanang-Pasig  kiung saan agad na nagresponde ang Special Operation Group (SOG-PCG).

Nabatid na posibleng ilang oras na itong nagpalutang-lutang sa ilog hanggang sa mahigop ito ng nasabing pumping station at nahalo sa mga basura. Jocelyn Tabangcura-Domenden

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply