Bangkay ng AWOL na pulis, pinaanod sa ilog

PINAANOD sa ilog ang bangkay ng absent without leave na pulis habang nakasilid sa drum sa Caloocan City Martes ng umaga, Disyembre 27.

Nakilala ang biktima na si PO1 Anfilrey Ryan Agbalo, 34, ng Bago Bantay, Quezon City at dating miyembro ng Special Action Force sa Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City.

Sa ulat, alas-10 ng umaga nang lumutang ang isang asul na plastic drum na nababalutan ng packaging tape sa ilog ng Phase 12, Tala ng lungsod.

Agad na iniahon ng ilang residente ang drum at nang buksan ay tumambad ang bangkay ng biktima na naging dahilan upang itawag sa mga pulis.

Lumalabas na may tama ng bala sa ulo at katawan ang biktima at nakuha sa bulsa ang PNP ID ni Agbalo.

Nabatid na tatlong buwan nang AWOL ang biktima na naging dahilan upang tanggalin sa tungkulin.

Nagsasagawa na nang imbestigasyon ang mga pulis hinggil sa nasabing insidente.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply