Bangkay ng bata nagpalutang-lutang sa Manila Bay

PATAY na nang matagpuan ang 12-anyos na batang lalaki na palutang-lutang sa Manila Bay sa bahagi ng North Harbor Tondo, Maynila, ayon sa ulat ng pulisya ngayon.

Inilarawan ang bata na may balingkinitang pangangatawan, walang damit pang-itaas at nakasuot ng blue short pants.

Batay sa imbestigasyon ni PO3 Amelito Lopez, isang grupo umano ng kabataan ang nagkakagulo sa baybayin ng Manila Bay sa Pier 16, North Harbor nang mapansin ang bangkay ng biktimang palutang-lutang sa dagat.

Agad nilang ipinagbigay-alam kay Rodrigo Labonte ng barangay tanod ng Brgy. 105 Zone 8, District 1 at sinubukan pa nilang isalba ang buhay ng biktima at dinala sa Gat Andres Bonifacio Hospital ngunit idineklarang dead on arrival.

Sa pagsusuri ng naturang ospital, nakitaan ng sugat sa mukha ang biktima na hinihinalang tumama sa bato bago ito tuluyang nalunod sa dagat.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply