Filipino artists protektahan – Villar

IGINIIT ni Senador Manny Villar ang paghihigpit sa mga regulasyon para protektahan ang intellectual property rights dahil ito ay lubhang makatutulong sa kapakanan ng mga Filipino na mahusay sa iba’t ibang larangan na umaasa sa copyrighted protection.

“Kinakailangang tumugon tayo ngayon sa pananalasa ng mga masasamang gawain na nangyayari sa mismong harapan natin, na higit na nawawalan dito ang ating mahuhusay na artists. Utang natin sa ating mga artists, composers, programmers, scientists, animators at mga propesyonal na Filipino na protektahan ang kanilang mga likha mula sa pangongopya,” saad ni Villar.

Ginawa ni Villar, chairman ng Committee on Trade and Commerce, ang panawagan sa kanyang sponsorship speech ng Senate Bill No. 2842 sa ilalim ng Committee Report No. 38, ang panukalang batas na naglalayong amyendahan ang Republic Act 8293 o ang Intellectual Property Code of the Philippines.

Inihalimbawa ni Villar ang kaso ni Freddie Aguilar, kompositor ng sikat na awiting Anak. Ayon sa balita, ipinagkatiwala ni Aguilar ang lahat ng kanyang karapatan sa isang music publisher, na siyang kumikita ngayon ng limpak-limpak mula sa mga taong gumagamit ng nasabing awitin.

Noong June 2001, si Aguilar ay inaresto at kinasuhan ng pangongopya ng awiting siya mismo ang lumikha at nagpasikat. Hanggang sa ngayon ang kaso ay hindi pa nareresolba at patuloy na nakabinbin sa korte.

Ginawa ring halimbawa ni Villar ang karanasan ng National Artist na si Levi Celerio, na sumulat nga mahigit 4,000 kanta kabilang dito ang Ang Pasko ay Sumapit, Ikaw, Bakya Mo Neneng, at marami pang iba. Sa kabila ng libo-libo nitong komposisyon na dapat ay naghatid sa kanya ng yaman, namatay itong mahirap.

Ayon kay Villar, ang isyu ng copyright ay mahalaga dahil ang copyright-based industries (CBIs) ay may malaking epekto sa ekonomya ng bansa.

Batay sa isang pag-aaral na kinomisyon ng World Intellectual Property Organization (WIPO) sa kaagahan ng 2000s, ang mga CBIs ay nakapag-aambag ng halos limang porsiyento (5) percent ng  Gross Domestic Product (GDP).

Inirekomenda ng International Intellectual Property Alliance (IIPA), isang pribadong sector na koalisyon ng trade associations ng copyright-based industries sa United States, ang Pilipinas at 12 iba pang bansa na ilagay sa Priority Watch List ng Office of the US Trade Representative (USTR) 2011 Special 301 Report on Intellectual Property Rights (IPR).

“Kapag nailagay sa USTR’s Priority Watch List, nangangahulugan na ang isang bansa ay hindi nagbibigay ng sapat na IPR protection sa mga taong umaasa sa intellectual property protection.

“Para sa kapakanan ng lahat, kinakailangan na mabago ang batas upang magkaroon ng sapat na kapangyarihan ang bansa na labanan ang pamimirata, sugpuin ang mga magnanakaw ng gawa ng iba sa panahong ang karunungan ay napakamakapangyarihan,” aniya pa.

Ilan sa mga amyenda sa panukalang batas ay ang mga sumusunod:

*The establishment of a Bureau of Copyright, which will perform the more substantial function of policy formulation, rule making, adjudication, research and education.

*The regulation of Collective Management Organization (CMO) which will enable the Intellectual Property Office of the Philippines to monitor and promote good corporate governance among CMOs, benefitting not only the rights holders themselves but also the users of copyrighted works.

*Exempting the blind or visually impaired persons from securing permission for the non-commercial reproduction of copyrighted works for their use.

*The provisions on copyright infringement have been refined to include contributory infringement, circumvention of technological measures and rights management information as aggravating circumstances, and the option to collect statutory damages instead of actual damages.

*Important provisions of the Copyright Treaty and the Performances and Phonograms Treaty of the WIPO, of which the Philippines is both signatory, will be considered, such as the protection of technological measures and rights management information to provide protection for copyrighted works disseminated through the Internet.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply