Bata ni Bistek bastos

NAPAKAWALANG-MODO raw ang isang nagpapakilalang ‘bata’ ni Mayor Herbert ‘Bistek’ Bautista na nakatalaga riyan sa Quezon City Building Office.

Kung bakit bastos ang isang nagngangalang ‘Viardo’,  ito ang kuwento ng nakahuntahan nating mga nabubuwisit at galit na QCPA veterans.

Kamakailan ay na-interview si QC Deputy building official Elmer Sagatsat tungkol sa pagkakatayo ng Nice hotel sa Edsa, Brgy. Veterans.

Naging isyu kasi ang construction ng nasabing hotel sa lugar dahil ito ay halos katabi lang ng simbahan ng Apostolic Catholic church.

Bukod sa naitayo ang hotel o motel na ito ilang metro lang ang layo sa naturang sambahan, malapit din daw ito sa dalawang eskuwelahan.

Sagot ni Sagatsat, walang nilabag na batas ang pagtatayo ng Nice Hotel sa lugar kayat binigyan ito ng persmiso para maitayo.

At nang sabihin at ipaalam ng isang reporter kay Sagatsat na nagpoprotesta kasi ang National Council of Churches of the Philippines, bigla raw may nagsalita sa crowd at narinig ang mga katagang “Hayaan n’yo na lang pumasok ang mga madre sa loob ng Nice Hotel”.

At nang siyasatin, napag-alaman na ang bumigkas ng mga salitang iyon ay isang nagngangalang ‘Viardo’ na bata raw ni Bistek.

Aba’y walang modo ang kawani na ito ng Quezon City government. Lantarang pambabastos ang ginawa ng taong ito sa mga madre.

Public servant pa naman itong naturingan dahil kawani ng pamahalaan, pero tingnan n’yo ang kanyang inaasal. Mayor Bistek, ano ba yan!

Hindi na inisip ni ‘Viardo’ na sa kanyang ipinakitang masamang asal, ang minumura ng publiko ay si Mayor Herbert ‘Bistek’ Bautista.

Bakit si Bistek? Eh kasi, siya ang Ama o alkalde ng lungsod ng Quezon kung saan si ‘Viardo’ ay sumusuweldo mula sa pera ni Juan.

Tiyak yon na sa tingin ng madla, may pagkukulang ang liderato ni Bistek para madisiplina ang mga empleyado nit o, isa na si ‘Viardo’.

Kasi, kung si ‘Viardo’ ay may disiplina at alam kung ano at sino ang nagpapasuweldo sa kanya, sana’y ‘di niya nilait ang mga madre.

Suhestiyon natin sa QCPA veterans, mga tsong, ‘di n’yo dapat palagpasin ang pangyayaring yan – ipaalam n’yo yan kay Bistek.

Para sa ganun ay ‘di na pamarisan pa ang kawalan ng disiplina at modo ng taong iyan. Dapat sa kawani na yan ay matanggal sa trabaho.

Dahil siya’y walang karapatang tawagin na public servant.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply