Batikos ni PNoy ‘wa epek’ sa Supreme Court

WALANG epekto ang batikos ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III sa Korte Suprema pagdating sa mga magiging desisyon nito.

Ayon kay Supreme Court spokesman Atty. Midas Marquez, siguradong magiging patas at naaayon sa Konstitusyon ang mga ilalabas ng desisyon ng Kataas-taasang Hukuman.

Dagdag pa ni Marquez na normal lamang ang hindi pagkakasunduan ng hudikatura at ehekutibo, pero pambihira umano ang pangmamaliit ni Pangulong Aquino sa hudikatura sa mismong harap ng mga kasapi ng institusyon.

Pero sa kabila nito ay una nang nilinaw ng Malakanyang na hindi personal ang banat na ito ni Pangulong Aquino sa Kataas-taasahang Hukuman.

Aminado ang Korte Suprema na nakababahala ang mga naging pahayag ni Pangulong Aquino laban sa hudikatura sa pagdalo nito sa Criminal Justice Summit kahapon (Disyembre 5).

Gayunman, hinimok ni Atty. Midas Marquez ang mga miyembro ng kanilang hanay na manatili ang respeto para sa Pangulo.

Ayon pa kay Marquez, si Chief Justice Renato Corona ay naging speechless at motionless lamang kahit harapang binabatikos ng Pangulo, bagay na aniya ay mabuting tularan upang maiwasan na lumala ang sitwasyon.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply