Batok ng binata pinasabog sa Parañaque

TILA bulang naglaho ang pangarap ng 37-anyos na binata na makapagtrabaho sa ibang bansa nang barilin sa batok ng hindi pa nakilalang salarin habang patungo tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI) kaninang madaling-araw sa Parañaque City.

Patay kaagad si Michael Tunay, ng 1541 San Juan St., Moonwalk, Parañaque sanhi ng tinamong tama ng bala ng hindi pa batid na kalibre ng baril sa batok  nang barilin ng salarin sa kanto ng Taft Avenue Ext. at E. Rodriguez Avenue sa Barangay Baclaran dakong 4:40 ng madaling-araw.

Batay sa pahayag ng pamilya ng biktima kay SPO4 Odeo Carino ng Station Investigation and Detective Management Section (SIDMS), maagang umalis sa kanilang bahay si Tunay upang kumuha ng clearance sa NBI na kanyang gagamitin sa pagtatrabaho sa Saudi Arabia.

Hindi pa matukoy ng pulisya ang motibo sa naturang pamamaslang lalo na’t wala umanong alam ang kanyang mga kaanak na may kaaway ang biktima na may matinding galit sa kanya upang siya ay paslangin.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply