Bawasan ang paggamit ng plastic, styro — DENR

NANAWAGAN ngayon si Environment Secretary Ramon Paje sa publiko na bawasan ang paggamit ng plastic utensils at polysterene food containers o styrofoam upang mabawasan ang basura ngayong Kapaskuhan.

Nakiusap rin ang Kalihim sa lahat ng empleyado ng Department of Environment ad Natural Resources (DENR) sa buong bansa na maging halimbawa sa kanilang mga kapitbahay na umiwas sa paggamit ng mga plastic at styro.

Aniya, pwede namang magsaya ngayong Pasko’t Bagong Taon na makatutulong pa sa kalikasan.

Maaari aniyang gumamit ng brown bags at dahon ng saging sa halip na plastic at styrofoam para pagbalutan ng pagkain.

Ito ay paghahanda na rin umano sa darating na tag-ulan.

Kaugnay nito, nagbigay ang DENR union K-4 sa kanilang mga miyembro ng reusable plastic food containers upang magamit sa pagbili ng pagkain sa mga food stalls.

Kung maaalala, nang manalasa ang bagyong Ondoy noong 2008, ay mga nakabarang plastic sa mga imburnal ang umano’y naging sanhi ng pag-apaw sa Kamaynilaan, partikular sa Marikina at Quezon City.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply