Bea Binene makatao at concerned sa kabataan ng Sto. Tomas, Batangas

SA HALIP na bumili ng mamahaling gift sa sarili tulad ng bagong van ngayong Pasko, mas ginusto pa ni Bea Binene na ibili na lang pangregalo para sa mga batang kapuspalad para bigyan sila ngayong Kapaskuhan ng happiness and joy.

Nai-launch kahapon ng dalagita ang kanyang sariling foundation, ang Bea Binene Cares, sa Sto. Tomas, Batangas sa covered court ng Sto. Tomas Academy sa likod ng Simbahang Katoliko.

Lahat ng indigent na bata ang pinagsama-sama ni Bea sa tulong ng DSWD ng Sto. Tomas, Batangas. Pinili ang lahat ng kabataan na nangangailangan ng tulong at dinala sa court para pasayahin ni Bea.

Bukod sa puedeng maka-kiss sa paborito nilang artista, hinandugan pa niya ang lahat ng dalawang awit, pagkatapos ay binigyan niya ng mga regalo ang bawat batang dumating sa okasyon.

Well organized ang Bea Binene Cares dahil kumpleto sa pagkain at regalo ang mga bata. Dumating pa si Jollibee mascot at nakisayaw pa kay Bea kaya tuwang-tuwa ang mga bata.

Napansin namin na malakas ang hatak ng programang “Tween Hearts” sa Sto. Tomas dahil lahat ng mga kabataang andoon ranging from 7 to  10 years old ay alam na alam ang role ni Bea sa Tween Hearts bilang si Belinda. Nang tanungin si Bea ng host na si Papa Jack ng Barangay LS FM kung bakit niya tinayo ang foundation, nasabi niyang mahilig siyang tumulong sa ibang tao noon pa mang siya’y 6 years old.

Ngayong kumikita na siya, ibig niyang ibahagi sa ibang bata na nangangailangan ang mga kinita niya sa soap opera at pelikula.

Ani Bea: “Kaya ko itinatag ang Bea Binene Cares ay para bigyan ang mga kabataan ng Hope, Help at Happiness.”

000

Manny Pacquiao almost one month na mawawala sa Pinas para magbakasyon sa Europe

HALOS isang buwan na magbabakasyon ang buong pamilya ni Manny Pacquiao sa Europe ngayong Kapaskuhan. Kaya third week na ng January ang balik niya sa Pilipinas. Pero maraming episodes na ng Manny Many Prizes siyang nagawa kaya asahang sagana ang audience at televiewers pa rin sa libu-libong cash na pamimigay ni Pacman o Ninong Manny.

000

NAKU! magbabakasyon muna si Gloria Romero matapos ang nine months na tuluy-tuloy na trabaho sa “Munting Heredera.” Napakasuerte kasi ni Gloria sa trabaho. Contributory factor ang pagkasama niya sa soap kung bakit ito naging hit sa telebisyon at tumagal nang husto. Siyempre, tumulong din ang buong cast.

Si Tita Gloria ang pinakabida sa soap at ang tatlong batang babae. Contributing factor rin sa success ang team up nina Camille Prats at Mark Anthony Fernandez. Siyempre, to top it all, ang magandang direction siyempre ni Maryo J. delos Reyes, pati na rin ang scriptwriter ng Munting Heredera.

Ani Tita Gloria: “Di ko akalain na hahaba ng ganito ang soap namin. Sobrang haba. Masaya dahil di kami nawawalan ng trabaho pero may edad na ako. Nagkasakit na rin ako. Ngayon nga may lagnat ako pero kailangang mag-taping dahil may continuity ako sa eksena na kinunan pa sa Subic.

“Kaya after ng Munting Heredera, one month akong magbabakasyon.”

Nang dumalaw kami sa set, kinukunan ang Christmas presentation ng soap.

Bea Binene makatao at conerned sa kabataan ng Sto. Tomas, Batangas
loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply