Bebot na nagpapa-5-6 dedo sa boga

PATAY ang isang 37-anyos na babae matapos na barilin ng tatlong di nakilalang lalaki na sakay ng isang motorsiklo habang nag-aabang ng kanyang masasakyan ngayong hapon sa Paco, Maynila.

Nakilala ang biktima na si Shella Mendoza, dalaga, nagpapautang ng 5-6 at residente ng 1801 Int. 41 Barangay Sta. Maria, Paco, Maynila.

Ayon sa MPD-Police Station 10 dakong ala-1:00 ng hapon nang maganap ang insidente sa Sta. Maria St. at panulukan ng Pedro Gil habang nag-aabang ng masasakyan ang biktima.

Napag-alaman na nagpapautang umano si Mendoza at ito ang tinitingnan anggulo ng pulisya.

Matapos ang insidente ay mabilis na tumakas ang di nakilalang mga suspek habang naisugod pa sa Sta. Ana Hospital ang biktima ngunit idineklara nang dead on arrival.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply