Bebot natagpuang patay sa damuhan

BASAG ang bungo nang makita ang bangkay ng isang dalaga sa damuhan sa Valenzuela City Miyerkules ng hapon (Disyembre 28).

Nakilala ang biktima na si Grace David, 36 ng Lucas st., Maysan ng lungsod.

Sa pahayag ni Maryjane Dolorito, nasa hustong gulang at caretaker ng bakanteng lote sa Cabral St,. Maysan, naglalaro ang kanyang anak na si Melvin, 10-anyos sa nasabing lugar nang makita ang biktima na bahagyang natatabunan ng damo, dakong ala-una ng hapon.

Agad na sinabi ng bata sa ina ang pangyayari na naging dahilan upang itawag sa pulis ni Maryjane.

Lumalabas na nakasuot ng asul na shirt at itim na pants ang biktima habang nasa tabi ang malaking tipak na bato na posibleng ihinataw sa ulo ng biktima.

Nagkalat naman sa damuhan ang mga gamit ng biktima at ang itim na bag.

Nagsasagawa na ng follow-up operation ang mga pulis upang makilala ang suspek at inaalam na kung hinalay pa ang biktima.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply