Bebot tusta sa sunog sa Zambo

ISANG babae ang nasunog ng buhay sa loob mismo ng kanyang tahanan sa lungsod ng Zamboanga kagabi, Disyembre 7.

Ang biktimang pinangalanang si Sylvia Saavedra ay nakulong sa kanyang kuwarto ng masunog ang kanyang bahay bandang alas 9:00 kagabi.

Isunugod din sa ospital ang ina ng biktima na nakilalang si Maria Lourdes Saavedra dahil sa natamong sugat at sunog sa katawan.

Base sa hinuha ng mga kapitbahay, maaaring nakalimutang bukas ang isang kagamitan sa pagluluto sa kusina ng bahay dahil abala umano ang mga ito sa pagluluto bilang paghahanda sa pagdating ng mga kamag-anak nito galing sa Estados Unidos.

Naapula naman ang sunog pagkatapos ng isang oras at hindi nadamay ang katabing barangay hall at mga kabahayan sa paligid nito.

Patuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection-Zamboang City para malaman ang dahilan ng sunog.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply