Bebot pinagsasaksak ng live-in partner

MALUBHA ang isang 42-anyos na babae  matapos itong tadtarin ng saksak ng kanyang kinakasamang lalaki nang magtalo sila sa pag-delete ng contact sa cellphone kaninang madaling-araw sa Caloocan City.

Ginagamot Dr. Jose Rodriguez hospital sanhi ng saksak sa iba’t ibang parte ng katawan si Catalina Dela Cruz, 42, ng Phase 4 Bagong Silang ng nasabing lungsod.

Nahaharap sa kasong frustrated murder ang tumakas na si Danilo Ramos, 43, live-in partner ng biktima.

Ayon sa ulat, dakong alas-4:00 kaninang madaling-araw ng magkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa sa loob ng kanilang pamamahay.

Nabatid na si Catalina sa kanyang live-in partner matapos i-delete nito sa kanyang cellphone ang mga numero ng kanyang mga kamag-anak.

Sa gitna ng pagtatalo ay agad kinuha ni Danilo ang kitchen knife sa kusina at sunud-sunod na inundayan ng saksak si Catalina at saka tumakas.

Dahil dito, ikinasa ng mga awtoridad ang isang manhunt operation para sa agarang ikadarakip ng suspek. Roger Panizal

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply