Bebot utas sa selosong ka-live-in sa Cebu City

NAGSAKSAK sa sarili ang isang lalaki matapos patayin ang kanyang ka live-in sanhi ng matinding selos sa Cebu City.

Nagtamo ng malalim na saksak sa dibdib at namatay noon din ang biktimang si Bernadet Dorimon Bagasa, 27, ng Sitio Pahulayan, Barangay Bugho, Moalboal, Cebu.

Samantalang nasa kritikal naman na kondisyon sanhi ng saksak sa dibdib ang suspek na si Alberto Celestial, 28, ng nabanggit na lugar.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ag insidente kaninang umaga sa loob ng bahay ng magkalive-in.

Bago ito, nabatid na nagkaroon ng alitan ang magkalive-in at sa hindi malamang dahilan ay sinaksak ng suspek ang biktima.

Nang makita namang duguan at wala nang buhay ang ka live-in, sinaksak din ng suspek ang kanyang sarili.

Napag-alaman na may nervous breakdown ang suspek at sobrang seloso lalo na kapag may nababalitaang hindi maganda sa kanyang live-in partner.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply