Beermen nagkampeon sa ABL

NASUNGKIT ng bagong lahok sa Asian Basketball League (ABL) na San Miguel Beer ang korona sa katatapos na komperensiya nang pabagsakin ang kababayang AirAsia Philippine Patriots sa finals na idinaos sa Nimidutr Stadium sa Bangkok, Thailand noong Linggo (DIsyembre 18) sa score na 84-76.

Nanguna sa Beermen sa scoring parade si Dalron Johnson at Junjun Cabatu na parehong tumipa ng tig-17 puntos na dinagdagan pa ni Fil-Am Chris Banchero ng 16 at ng isa pang import na si Richard Jeter na nag-ambag ng 13.

Maluwag na tinanggap naman ni AirAsia Philippine Patriots coach Glenn Capacio ang pagkatalo na naging badya sa kanya na makapaghanda ng maaga sa regular na ABL tournament na nakatakdang ganapin sa Enero 14.

Nasungkit ng Singapore Slingers ang third place nang tiradurin nila ang Thailand selection 68-60, habang iginupo ng Indonesian Warriors ang Saigon Heat sa score na 78-75 para angkinin ang ikalimang puwesto.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply