BFP personnel, walang bakasyon sa Pasko

DAHIL sa posibilidad na maraming sunog ang magaganap ngayong Kapaskuhan, simula Disyembre 19 ay ikinasa na ng Bureau of Fire Protection sa Metro Manila ang pagtataas ng heightened alert.

Sinabi ni BFP-National Capital Region na tatagal ang naturang heightened hanggang sa unang linggo ng Enero 2012.

Sa mga panahong nabanggit, ang magbabakasyon o mag-aaplay ng leave of absent ng BFP-NCR na tinatayang aabot sa 2,000 personnel ay hindi papayagan, ayon pa sa ulat.

Sa mga panahon ding nabanggit, lilibot din ang BFP teams sa buong Metro Manila para inspeksyunin ang fireworks factories at mga tindahan.

Paulit-ulit ding paalalahanan ng BFP ang mga residente na maging maingat laban sa sunog.

Pinangangambahan ng BFP ang magaganap na sunog sa panahon ng Kapaskuhan lalo na sa paggamit ng mga paputok at overloaded electrical circuits.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply