BI handa na sa pagdagsa ng OFW, balikbayan

NAGPALABAS ng kautusan ang Bureau of Immigration para sa kanyang mga tauhan sa Ninoy Aquino International Airport at iba pang paliparan na maghanda sa pagdagsa ng mga overseas Filipino workers (OFW) at balikbayan na magbabakasyon ngayong Kapaskuhan  at gumawa ng mga hakbang upang masiguro na walang hassle ang pagdating ng mga ito sa bansa.

Sa kanyang memorandum order, ipinag-utos ni BID Commissioner Ricardo David sa airport operations division (AOD) ng ahensya na magdagdag ng mga tauhan sa immigration arrival areas ng paliparan.

Inatasan din ni David ang kanyang mga tauhan na ibigay ang pinakamainam na pag-asikaso at pag-alalay sa mga nagsisibalik na Pilipino at i-proseso ang kanilng pagdating agad-agad upang maiwasan ang mahabang pila sa mga immigration counters.

Sa memo ni David kay AOD acting chief Lina Andaman Pelia, nakasaad na gumawa ang mga ito ng mga hakbang upang ‘di makaranas ang mga balikbayan ng mga pangyayari na di kanais-nais sa kanilng pagdating sa airport.

Inisyu umano ni David ang direktiba dahil nagsimula na umano ang pagdating ng mga OFW at balikbayan ayon sa rekord ng BI kung saan 3,000 balikbayan ang dumarating bawat araw sa NAIA simula noong isang linggo.

Karamihan sa mga ito ay mula pa sa HongKong, Singapore, Malaysia at Middle East kung saan naroroon ang mga manggagawang Pinoy. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply