Bibitayin sa China, binasbasan na ng simbahan

TINIYAK ng Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na nabigyan na ng sapat na sakramento ng Simbahang Katolika ang Overseas Filipino Worker (OFW) na nakatakdang bitayin sa China sa Disyembre 8.

Ayon kay Maasin Bishop Precioso Cantillas, regular nilang ibinibigay ang sakramento ng pangungumpisal, banal na misa at pagkokomunyon sa 35-anyos na Pinoy.

Bukod dito, regular din nilang binibigyan ng counseling at spiritual  guidance ang OFW upang magkaroon ng kalayaan na matanggap nito ang kanyang masakit na kapalaran at pagsubok sa buhay.

Sinabi ni Cantillas na mayroon silang tanggapan sa China at may mga pari sila na nagsisikap na mabigyan ng sakramento ng simbahan ang mga Pinoy na nakahanay sa death row.

Aminado si Cantillas na dapat na igalang ng bansa ang batas ng China ngunit umaasa rin na ikokonsidera ng China ang apela ng Pilipinas na mapababa ang hatol na bitay sa Pinoy at gagawin na lamang itong habambuhay na pagkabilanggo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply