Bibitaying OFW sa China malabong maisalba- Enrile

IPINAALALA ni Senate President Juan Ponce Enrile na mahigpit ang batas sa bansang Tsina para sa mga nagkakasala kaya’t naniniwala siya na malabo nang maisalba ang overseas Filipino worker na nahatulan ng kamatayan sa kasong drug trafficking.

Ayon kay Enrile, tanging tayong mga Pinoy lamang ang mababa ang loob hindi tulad sa China na kapag nagbigay ng hatol ay pinaninindigan ang desisyon.

Unang nilinaw ng  Department of Foreign Affairs (DFA) na hindi nagpabaya ang gobyerno sa kaso ng isang kababayang nahatulang mabitay sa China, dahil sa kasong drug trafficking.

Batay sa DFA na simula nang maaresto ang 35-anyos na Pinoy noong Setyembre 2008, tinutukan na ng gobyerno ang kaso nito at tiniyak na mapapangalagaan ang karapatan nito.

Ang nabanggit na OFW ay nahatulang mabitay matapos mahulihan ng 1.495 kilo ng heroin sa Guilin International Airport noong Setyembre 2008 mula sa bansang Malaysia.

Nitong Nobyembre 28, ibinaba ng Supreme People’s Court (SPC) sa Beijing ang hatol na bitay sa akusado.

Sa susunod na linggo siya nakatakdang bitayin.

Maging si dating Philippine Ambassador to China Francisco Benedicto ay sinubukan din umanong iapela ang kaso ng kababayan sa ilang top official ng Supreme People’s Court, sa layuning mapababa ang hatol dito.

Ang Pangulong Benigno Aquino III din ay nagpadala na ng letter of appeal kay Chinese President Hu Jintao na maisalba ang buhay ng nasabing Pinoy.

Sa ngayon ay patuloy ang pakikipag-ugnayan ng DFA sa pamilya ng nasabing Pinoy para sa kanilang agarang pagtungo sa China para makadaupang-palad ang kanilang mahal sa buhay.

“The Philippine Government has made sustained and exhaustive representations and appeals with the Chinese Government at all levels to seek mitigated sentences for all Filipinos on death penalty,” ayon sa DFA statement.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply