‘Big 3’ at rookie ng Miami nagliyab

UMUSOK ang “Big 3” ng Miami Heat upang tustahin ang wala pang panalong Boston Celtics, 115-107 sa 2011-12 National Basketball Association, (NBA) regular season kaninang umaga sa Miami.

Binaon ng Heat ang Boston upang malasap ng huli ang dalawang sunod na kabiguan matapos mag-init sina Lebron James, Dwyane Wade at Chris Bosh sa opensa.

Kumana si James ng 26 puntos, six rebounds at five assists habang 24 ang naisalpak ni Wade kasama ang walong assists at isang board.

Double-double naman ang tinikada ni Bosh, (18 pts. at 11 rebounds) upang manatiling nasa unahan ang Heat sa team standing ng southeast division sa Eastern Conference sa kartang 2-0 win-loss.

Bukod sa star players ng Miami, nagpakitang gilas din si rookie point guard Norris Cole matapos gumawa ng 20 points at tig-apat na boards at assists habang si sixth man Haslem Udonis ay nangalabaw ng 12 rebounds at apat na puntos.

Dominado ng Heat ang buong apat na period kung saan ay angat sila sa first half, 69-54.

Lomobo pa ang lamang ng Heat sa 20 puntos, 85-65 matapos isalpak ni power forward James ang 20-foot jumper may 6:03 pa ang nalalabi sa third canto.

Sa fourth period ay naibaba ng Boston sa tatlong puntos ang hinahabol nang itarak ni Keyon Dooling ang three-poimter mula sa assist ni Ray Allen, 105-108 may 2:02 pa ang natitirang oras.

Subalit hindi hinayaan ni James na maupos ang apoy ng Heat dahil isang assist play kay Cole upang isalpak ang 21-foot jumper, 110-105 isang minuto at 31 segundo na lang para tumunog ang final buzzer.

Si Ray Allen ang nanguna sa opensa para sa Boston na may 28 points, apat na assists at tatlong rebounds habang sinundan siya ni Rajon Rondo na nagsalpak ng double-double na 22 pts. 12 assists at walong boards.

Kumana rin si Dooling ng 18 pts.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply