Bihag na Fil-Am sa Basilan, nakatakas na

NAKATAKAS ang 14-anyos na Filipino-Amerikano na si Kevin Eric Lunsmann mula sa pagkakabihag ng mga miyembro ng Abu Sayyaf sa Barangay Bolingan, Lamitan, Basilan.

Ayon kay ARMM Police director, Chief Supt. Bienvenido Latag, nasa kustodiya ila si Lunsmann makaraang makatakas sa mga kidnapper.

Natagpuan ang biktima Sabado ng gabi sa Brgy. Brgy. Buliagan ng Lamitan City, ayon kay AFP-Western Mindanao Command spokesman, Lt. Col. Randolf Cabangbang.

Hindi naman matiyak ni Cabangbang kung nagbayad ng ransom ang pamilya ng biktima.

Matatandaang dinukot si Lunsmann kasama ang kanyang inang si Gerfa Yeats Lunsmann at pinsang si Romnick Jakaria noong Hulyo 12 sa Tictabon Island.

Pinakawalan si Gerfa noong Oktubre 2, gayundin si Jakaria noong Nobyembre.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply