Biktima ng salvage itinapon sa Ilog Pasig

NAKABALOT ng plastic ang mukha at tinalian patalikod ang mga kamay ng isang di nakilalang lalaki na hinihinalang biktima ng summary execution nang ito ay matagpuan sa Ilog Pasig sa Delpan Bridge sa Tondo, Maynila kaninang umaga.

Ayon kay SPO3 Dennis Javier, imbestigador ng Manila Police District Homicide Section, dakong alas-7:00 ng umaga nang madiskubre ang palutang-lutang na katawan ng biktima sa nasabing lugar.

Inilarawan ang biktima na nakasuot ng dilaw na t-shirt, itim na shorts, nakatali patalikod ang mga kamay at binalutan pa ng plastic ang mukha. Jocelyn Tabangcura-Domenden

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply