Biktima ni ‘Sendong’ hinahanapan ng relocation site

INUUMPISAHAN na ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang paghahanap ng lupa at maayos na lugar na posibleng magiging relocation site ng mga biktima ng bagyong “Sendong” sa Cagayan de Oro at Iligan City.

Sa talaan ng DILG, 10 sitio sa Iligan at anim na sitio sa CDO ang ililipat na ng ibang lugar mula sa kanilang mga dating tirahan.

Ayon kay DILG Sec. Jessie Robredo, ito ang iniutos sa kanila ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III nang bumisita ito kahapon (Disyembre 20) sa CDO.

Nag- iwan din umano ng P50 milyon ang Pangulong Aquino kahapon sa mga lokal na opisyal ng CDO para sa inisyal na pondo sa gagawing proyekto.

Tiniyak naman ni Robredo na mabibigyan ng maayos na relocation site ang libu-libong mga residente na hindi na papayagan pang bumalik sa mga tabi ng mga ilog at dagat. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply