Biktima ni ‘Sendong’ dapat maisama sa CCT

KAILANGANG maisama sa Conditional Cash Transfer program ang biktima ng bagyong “Sendong” sa Mindanao.

Ito ang naging panawagan ni Aurora Rep. Juan Edgardo Angara sa pamahalaan na isama na rin sa P40-bilyong programa ang mga nasalanta ng bagyong Sendong bilang mahaba-habang tulong sa kanila.

Ayon kay Angara, isa ito sa nakikita niyang paraan para matulungan ang mga nasalanta ng bagyo na makaahon.

Sinabi ng mambabatas na dala na rin sa kalagayan ng mga biktima ay maisasama na rin sila sa mahihirap na kuwalipikado sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program.

Kailangan lamang na matukoy sia ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para mabigyan ng agarang tulong.

Idinagdag pa ni Angara na sa P49.4 billion 2012 “mega-budget” ng DSWD na siyang inilalaan sa programa ay magagawa nitong maisama sa CCT ang mga biktimang nawalan ng tirahan sa Cagayan de Oro at Iligan City.

Binigyang-diin naman nito na hindi naman lahat ng mga naapektuhang residente ang awtomatikong isasama sa CCT coverage kundi yaong nawalan ng tirahan.

Ang mga biktima ng Sendong ay maaaring isama sa subsidy programs ng DSWD sa susunod na taon tulad ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), P39.4 billion; Supplementary Feeding Program, P2.9 billion; at Social Pension for Indigent Filipino Senior Citizens, P1.3 billion.

“Because  the  number of 4Ps beneficiaries will increase to 3 million families next year from 2.3 million this year, the  victims of Sendong can be accommodated  in the additional 700,000 enrolees,” ani Angara.

Hinikayat din ng mambabatas ang DSWD na bigyang prayoridad ang mga kuwalipikadong senior citizen sa dalawang siyudad sa pagsama sa P500 monthly allowance.

“Ito ang tunay na pangtawid ng pamilyang Pilipino kasi pangmataglan, hindi yung isang kilos bigas at dalawang lata ng sardinas,” pagtatapos ni Angara. Meliza Maluntag

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply