Bilang ng bilanggong dayuhan bumaba

NAITALA sa pinakamababang bilang ang mga dayuhang nakakulong sa Bureau of immigration (BI), ayon sa ipinalabas na datos ng kawanihan ngayong araw.

Ito ay makaraang patalsikin ng ahensiya ang 144 ilegal na dayuhan na napatunayang nagkasala sa batas ng pandarayuhan sa bansa.

Ayon kay Immigration Commissioner Ricardo David Jr., patuloy ang kanilang programa na mapababa ang bilang ng bilanggong dayuhan sa BI detention facility sa Bicutan, Taguig City upang makatipid din ang pamahalaan sa gastusin sa pagpapakain sa mga ito.

Sinabi pa ni David na ang pagpapatalsik sa mga ilegal na dayuhan ay bunsod ng ipinalabas na summary deportation order ng board of commissioners. Inilagay din sa talaan ng mga personalidad na hindi na papayagang pang makapasok sa Pilipinas ang mga sinipang dayuhan.

Sa ulat na nakalap, umaabot na lang sa 89 ang bilang ng mga dayuhang bilanggo, pinakamababa sa kasaysayan ng kawanihan.

Sinabi naman ni Atoni Arvin Santos, hepe ng law and investigation division na kabilang sa mga pinatalsik ay 58 Chinese nationals, 18 Amerikano, 17 Bombay, 15 Koreano at 10 Taiwanese nationals.

Kabilang din sa nasabing bilang ang mga nahuling dayuhan na nagtago sa Pilipinas upang takasan ang mga kasong kinakaharap sa kani-kanilang bansa.

Gayunpaman, hindi agad-agad na mapapatalsik ang mga ilegal na dayuhan hanggang walang nakukuhang clearances ang immigration mula sa Philippine National Police, National Bureau of Investigation at sa iba’t ibang korte ng bansa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply