Bilang ng namatay kay ‘Sendong’ papalo sa 1,000

MALAKI ang posibilidad na lumagpas ng 1,000 katao ang bilang ng namatay sa pananalasa ng bagyong “Sendong” sa Visayas at Mindanao.

Sa patuloy na search and rescue operation kahapon (Disyembre 19), umabot na sa 823 ang bilang ng mga namatay at tinatayang nasa 600 katao pa ang pinaghahanap.

Ayon kay Department of Science and Technology Secretary Mario Montejo, ito na ang pinakamalaking pinsalang bagyo na tumama sa Mindanao simula noong 1980.

Maging si Dir. Benito Ramos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ay hindi makapaniwala na ganito karami ang mga namatay sa pananalasa ng isang bagyo.

Sa Cagayan de Oro pa lamang, sinabi ni Mayor Vicente Emano na maaring aabot sa 900 ang bilang ng namatay sa kanilang lugar.

Maliban sa Cagayan de Oro at Iligan City, 17 ang namatay sa Bukidnon; lima mula sa Mt. Diwalwal, Compostela Valley; isa sa Surigao del Sur, apat sa Lanao del Sur; 38 sa Negros Oriental; isa sa Cebu; at tatlo mula sa Zambonga del Norte. Johnny F. Arasga

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply