Billy Crawford iiwan ang career sa Pinas

PORMAL nang nagpaalam si Billy Crawford sa kanyang mga kasamaahan sa showbiz at fans para sa kanyang pagbabalik sa France (Europe) upag muling buhayin ang kanyang International career.

Inihayag ni Billy Crawford na nakatakda siyang umalis sa January 26, 2012.

Nalungkot naman ang kaibigan at co-host ni Billy sa Pilipinas Got Talent na si Luis Manzano ngunit sinabi naman nito na kahit na nalulungkot siya ay masaya pa rin siya para sa kaibigan (Billy) na minsan ring tinangkilik at sumikat sa Europa noon bago umuwi sa Pinas.

Huling mapapanood si Billy bilang isa sa mga host ng “Showtime” mamayang tanghali para sa Grand Finals ng nasabing programa ngayong season.

Hiniling naman ni Billy sa kanyang kasintahang si Nikki Gil na dalawin siya sa France.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply