Binalot Restaurant sa Pasig ipinasara ng BIR

PANSAMANTALANG ipinasara ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang isang branch ng Binalot Fiesta Foods Restaurant sa Pasig City dahil sa paglabag sa Tax Code ng ahensiya.

Ilan dito ang hindi pagrerehistro ng Value Added Tax (VAT) ng establisimyento bilang taxpayer at pagbabayad ng VAT returns, hindi pag-iisyu ng resibo at mga taxable transactions.

Ang punong tanggapan ng Binalot ay matatagpuan sa 3841 Daffodil St., Sun Valley Subdivision, Parañaque City kung saan ang serbisyo nito’y pagbebenta ng pagkain na nakabalot sa dahon ng saging.

Ang pagkakasara sa Binalot ay isinagawa matapos ang inspeksyunin ng BIR ang kumpanya.

Ang pagpapasara sa nabanggit na restaurant ay bahagi ng patuloy na kampanya ng ahensiya laban sa mga establisimyentong hindi nagbabayad ng tamang buwis sa pamahalaan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply