Binata durog sa dump truck sa Valenzuela

PATAY ang isang binata matapos mabundol at magulungan ng dump truck habang sakay ng bisikleta sa Valenzuela City kagabi (Disyembre 8).

Dead on the spot sanhi ng pinsala sa ulo at katawan si Jaypee Liwalas, 19, ng M. H. Del Pilar St., Maysilo, Malabon City.

Sumuko naman ang drayber ng Isuzu Dump Truck (INA-923) na si Alejo Herman, 62, taga-Tagalag ng lungsod.

Batay sa ulat, dakong alas-6:20 ng gabi, nang mabundol ni Hernan ang biktima.

Pagbagsak ng biktima ay nagulungan pa siya ng hulihang gulong ng trak na naging dahilan ng kanyang kamatayan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply