Binata kulong sa panghoholdap sa bading

SWAK sa kulungan ang isang binata matapos tutukan ng patalim at holdapin ang isang bading na naglalakad sa Malabon City kagabi (Disyembre 6).

Nakilala ang suspek na si John Montejo, 19 ng Galicia St., Bangkulasi, Navotas.

Sa pahayag ni Kris John Fuentecilla, 25 ng Tondo, Manila, dakong alas-11:10 ng gabi, naglalakad siya sa F. Sevilla Blvd., Tañong, Malabon City nang lapitan at tutukan ng patalim ng suspek.

Kinuha ng suspek ang coin pouch ng biktima na naglalaman ng P450 at sim card na may load na P500 bago tumakas si Montejo.

Humingi ng tulong sa mga pulis ang biktima at sa isinagawang follow-up operation ay nadakip ang suspek subalit hindi na nabawi ang natangay sa bading.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply