Binata patay sa birthday party ng inay

PATAY ang isang binata matapos ratratin ng dalawang lalaki ang bahay ng una habang nagdiriwang ng kaarawan ang ina sa Caloocan City kagabi (Disyembre 4).

Dead on the spot ang biktima na si Glenn Concepcion, 21, taga-Ana Bustamante St., 2nd ave., ng lungsod sanhi ng tama ng bala.

Nadakip naman ang suspek na si Christian Navarez, ng Gido 4, ng lungsod habang nakatakas ang kasamang nakilala lang sa alyas na Layosa.

Batay sa ulat, dakong alas-9:00 ng gabi at kasalukuyang nagkakasayan ang biktima kasama ang mga kaanak dahil birthday ng kanyang ina nang dumating ang mga suspek at paulanan ng bala ang bahay ng mga Concepcion.

Nahagip sa ulo ang biktima habang tumakas naman ang mga suspek subalit sa isinagawang follow-up operation ay nadakip si Navarez.

Inaalam na ng mga pulis ang motibo sa nasabing insidente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply