Binata tigok sa banggaan ng dyip at motorsiklo

TODAS ang isang binata matapos salpukin ng dyip ang dala niyang motorsiklo sa Malabon City kagabi (Disyembre 11).

Dead on the spot sanhi ng pinsala sa ulo at katawan si Ranillo Domer, 24 ng Magsaysay St., Marulas ng lungsod.

Sumuko naman ang drayber ng dyip na si Francisco Librado, 33 ng Sitio 6, Catmon, Malabon City.

Base sa ulat, dakong alas-8:35 ng gabi, tinatahak ni Librado ang Gov. Pascual Ave., Concepcion ng lungsod nang mag-overtake sa sinusundang sasakyan.

Hindi na naiwasan ni Librado ang kasalubong na biktima lulan ng Mitsukoshi Motorcycle na naging dahilan upang masalpok.

Tumalsik ang biktima na masama ang bagsak sa sementadong kalsada na naging dahilan ng kanyang kamatayan.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply