Binata utas sa tarak ng mag-utol, pinsan

UTAS ang isang binata matapos pagtulungang pagsasaksakin ng tatlong lalaki, kabilang ang isang magkapatid sa Bagong Silang, Caloocan City, Linggo ng gabi.

Hindi na umabot nang buhay sa Tala Caloocan hospital sanhi ng mga saksak sa ibat ibang parte ng katawan si Jessie Malrez, ng Bgy. Bagong Silang, nasabing lungsod,

Isa sa tatlong salarin ang naaresto ng awtoridad na kinilalang si Edward Evemgelio, 23, habang ang nakababatang kapatid nitong si Edwin Evangelio at pinsan na  si Randy delos Reyes ay pawang nakatakas.

Sa ulat, 9:00 ng gabi nang maganap ang insidente sa Phase 8, Bagong Silang, Caloocan.

Nabatid na pawang lango na sa alak ang mga suspek nang makasalubong ang biktima sa daan at kinompronta ng nakatatandang Evangelio sa dati nilang alitan.

Hanggang sa bigla na lamang nagbunot ng mga patalim ang mga suspek at sabay-sabay inundayan ang biktima hanggang mamatay.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply