Binay: Pinoy drug mule nabitay na sa China

NAISALANG na sa lethal injection ang Filipino na nahatulan ng parusang bitay kaugnay sa pagpupuslit ng droga sa bansang China.

Eksaktong alas-12:30 ng tangahali nang maisakatuparan ang execution sa Pinoy drug mule matapos magkita at makausap ang kanyang pamilya

Ang pagbitay ay kinumpirma ngayon ni Vice President Jejomar Binay sa pamamagitan ng Skype dahil nasa Bali, Indonesia ang Bise Presidente.

Naging madamdamin ang pagkikita ng mag-anak dahil ngayon lang din nalaman ng Pinoy drug mule na siya ay bibitayin.

Ang 35-anyos na Pinoy ay nahuling nagpuslit ng 1.5 kilo ng heroine noong 2008.

Sa kasalukuyan, inaayoos na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagbabalik sa bansa ng mga labi ng binitay na drug mule.

Ayaw pa ring pangalanan ng DFA ang Pinoy drug mule.

Samantala, kinasuhan na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang recruiter umano ng Pinoy drug mule na binitay ngayon sa China.

Sinasabing ang nabanggit na recruiter ang siya ring nag-recruit sa iba pang Pinoy na nasa death row sa China.  F. Arasga)

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply