Memorandum circular ng BIR ibasura – solons

IPINABABASURA ng mga mambabastas ang memorandum circular ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na nagpapataw ng buwis sa voluntary social fund contributions tulad ng GSIS, SSS, Medicare, at PAG-IBIG contributions.

Sinabi ni ACT Teachers Party-List Rep. Antonio Tinio na ang Revenue Memorandum Circular 27-2011 (RMC 27-2011) na inisyu ni BIR Commissioner Kim Henares noong Hulyo 1, 2011 ay lumalabag sa Konsitutyson at taliwas sa National Internal Revenue Code, o Republic Act 8424 (NIRC, or the Tax Reform Act of 1997).

“The Constitution guarantees that taxation must be uniform and equitable and that Congress is mandated to evolve a progressive type of taxation. But with RMC 27-2011, it effectively increases the burden for individual taxpayers over those corporate taxpayers who apparently realize more income,” paliwanag ni Tinio.

Sa ilalim ng BIR circular, hindi apektado ang mga corporate taxpayers at nabibigyan pa nga ito ng pagkakataon para mabawasan ang binabayaran nilang buwis na hindi ibinibigay sa individual taxpayers.

Tinuligsa rin nito ang administrasyong Aquino sa ginagawa nitong mailayo sa karaniwang tao ang mga social insurance systems.

Ayon naman  kay Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) Partylist Rep. Raymond Democrito Mendoza Mendoza, sa halip na hikayatin ng BIR ang mga manggagawa at publiko na mag-ipon ay nawawalan na ng ganang mag ipon ang publiko.

Naniniwala rin ang grupong TUCP na sa boluntaryong kontribusyon ay dapat makakuha ng karagdagang retirement,sickness o unemployment benefits ang mga miembro kaysa sa regular na financial assistance na makukuha ng bawat miyembro na mayroong mandatory contributions.

Giit pa ni Mendoza na hindi taxable investment kundi ameliotory measure na ginagawa ng bawat manggagawa upang matugunan ang “immature”pension fund system ng bansa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply