Bodega ng mga relief goods kinakapos na

KINAKAPOS na sa pag-iimbakan  ng relief goods dahil walang humpay ang pagdating ng mga donasyon para sa mga biktima ni “Sendong” sa Mindanao.

Inamin ni National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) Exec. Dir. Benito Ramos na sa dami ng mga nagpapaabot ng tulong mula sa iba’t ibang lalawigan at maging sa mga kalapit na bansa ay hindi na nila alam kung saan maaaring ilagak ang mga ito dahil puno na ang mga bodega para mapag-imbakan ng donasyon mula sa iba’t ibang rehiyon.

Dagdag pa ni Ramos, aabot na ng tinatayang tatlong buwan ang itatagal ng relief operations kaya kailangan na ma-sustain ito.

Sa ngayon sobra ang used assorted clothes na natanggap sa Mindanao gayundin ang ilang box ng noodles.

Kinumpirma rin ito na wala pang outbreak na naitatala sa mga apektadong lugar. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply