Hukom nanutok ng baril sa Tuguegarao

NABABAHALA ngayon ang isang miyembro ng Sangguniang Panlalawigan matapos umanong siyang tutukan ng baril ng isang hukom dahil sa matinding trapiko sa lungsod ng Tuguegarao.

Sa isinagawang regular session ng panlalawigang konseho, binatikos ni 1st district board member, AJ Ponce, sa kaniyang privilege speech ang umano’y panunutok sa kaniya ng baril ni Judge Baculi sa gitna ng kalsada.

Ang panunutok ng baril ay makaraang mainis sa masikip na daloy ng trapiko ang kalungsuran dahil sa naranasang pagbaha bunsod ng mga pag-ulan nitong nagdaang mga araw.

Ayon kay Ponce agad niyang ipinaabot kay Cagayan Valley police Dir. Rodrigo de Gracia at ipina-blotter sa himpilan ng pulisya ang ginawa sa kaniya ng judge.

Sinabi ni Ponce, nasa impluwensiya umano ng nakalalasing na inumin si Baculi noong mangyari ang insidente.

Aniya, kung nagawa ito sa kaniya na isang halal na opisyal ay hindi malayong mangyari rin ito sa mga ordinaryong mamamayan kaya gusto niyang mabigyan ng leksiyon ang naturang hukom. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply