Bong kinabog lahat ng nagbigay ng cash prizes ngayong Pasko

ANG akala namin ay sina Kris Aquino at Dingdong Dantes na ang pinakabonggang nagbigay ng cash prizes sa press ngayong Kapaskuhan sa prescon ng Segunda Mano. Aba, natalbugan pa sila ni Sen. Bong Revilla na nagpakawala ng mahigit sa P500,000 cash para sa mga reporters na dumalo sa press preview ng Panday2 sa SM Megamall.

Literally ay walang umuwing luhaan kasi lahat ng press na dumalo ay nanalo ng cash prize (P2k, 40 P3k, 30 P5k at 20 P10k). Tapos lahat ay nagkaroon ulit ng chance para manalo sa apat na P25k na grand prizes! Magandang pambabuwenas nga ito sa Panday2!

Sigurado nang magiging topgrosser sa takilya ang Panday2 dahil napakaganda ng pagkagawa ng movie. Maski kami ay namangha sa galing ng special effects nito. Very Holly wood na ang dating.

May puso rin ang kwento at halatang ginawa para sa mga bata ngayong Kapaskuhan.

Magugulat kayo sa role ni Marian Rivera sa movie. At lalong magugulat kayo sa lilitaw na magiging kalaban ni Panday sa part3 ng Panday! Abangan!

***

Isa pang kaabang-abang sa darating na MMFF ay ang Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story ni Gov. ER Ejercito aka Jeorge Estregan. Ito ang nag-iisang true-blooded action movie sa festival. At lahat ng action buffs ay excited nang mapanood ito.

Sa trailer palang ng pelikula ay makikitang hitik na hitik ito sa aksyon. At mapapansin na isang damukal na bala ang ginamit sa movie sa dami ng shooting scenes na ginawa. No wonder inabot ng P75M ang naging budget nito dahil mahal talaga kung action movie ang gagawin mo!

Nakalulungkot lang isipin na inulan din ng intriga ang movie. Nag-umpisa ito sa hindi pagpayag ni Mother Lily na mag-promote si Carla Abellana ng Manila Kingpin kasi exclusive raw si Carla sa Regal Films. Tapos ngayon ay gumagawa ng ingay si Direk Tikoy Aguliuz at pinatatanggal ang pangalan niya sa credits ng movie dahil nagdagdag daw ng scenes at musical scoring sa movie nang hindi niya alam.

Pero naging matigas si Gov. ER na i-retain ang pangalan ni Direk Tikoy sa credits at nagsabi pang ito ang mananalong best director sa MMFF!

***

Walang keber si Pokwang kung sabihin pang ngayon lang siya binigyan ng launching movie na A Mother’s Story ng ABS-CBN samantalang ang tagal na niyang artista ng network. Ok lang daw sa kanya kung ngayon lang siya nabigyan kaysa sa wala raw.

Very proud siya sa pangyayaring siya ang first and only choice ni Gabby Lopez na magbida sa movie and the fact na kinunan ito entirely sa States at unang movie na pinroduced mismo ng TFC!

Nakari-relate siya sa movie na tungkol sa isang OFW kasi nag-OFW rin siya noon bago siya nag-artista, sa Japan nga lang at hindi sa States. At napaluha siya nang gunitain niyang namatay ang kanyang 6 year-old son noon nang hindi man lang niya nakapiling kasi hindi siya pinayagan na makauwi ng kanyang amo.

Huwag daw ikumpara ang movie niya sa Anak ni Vilma Santos na ipinalabas 11 years ago.

Iba raw ang atake nila dito sa buhay ng isang OFW.

***

Nagpabongga rin si Anne Curtis at may sarili siyang pa-cash raffle sa press sa prescon ng kanyang Ännebisyosa: No Other Concert World Tour. Aba, tumataginting na P30K lang naman ang kanyang grand prize! May nanalo rin ng P20K, P15K at 10K, bukod pa sa mga P5k, P3k at P2K!

Tawanan ang lahat ng press na dumalo nang sabihin ni Anne na ayaw niyang mag-voice lessons para sa concert niya sa Araneta Coliseum sa darating na Jan. 28 dahil ayaw na raw niyang ibahin pa ang boses niya dahil ýun ang kinagusto sa kanya ng kanyang fans!

In fairness, nag-platinum kaagad ang kanyang debut album na Annebisyosa after two months only at sellout lahat ng kanyang mall tours.

Sina Sarah Geronimo at Vice Ganda ang special guests niya sa concert niya. At pati raw si Regine Velasquez ay nagtweet sa kanya at nagbo-volunteer na mag-back-up singer sa concert.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply