Bonus ng MMDA employees binawasan

UMALMA ang mga empleyado ng Metro Manila Development Authority (MMDA) matapos na puwersahan umanong kaltasan ang kanilang natanggap na Productivity Enhancement Incentives o Christmas bonus.

Sa hinaing ng personnel ng MMDA, ay P7,000 lamang ang natanggap nila na sa halip na P10,00.

Kinukuwestiyun ng mga empleyado kung saan napunta ang binawas na P3.300.

Batay sa Administrative Order 24 na ipinalabas ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III, bawat empleyado ng gobyerno ay makatatanggap ng Christmas bonus na nagkakahalaga ng P10,00 kada taon.

Sa ngayon, hinihiling ng asosasyon ng mga empleyado ng ahensya kay MMDA Asst. General Manager for Finance Eden Hizon Fainsan at MMDA Chairman Franciss Tolentino na ipaliwang kung saan napunta o dinala ang kinaltas sa kanilang PEI.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply